Calendar
Lolo, lola nakaligtas sa kamatayan matapos tarakan

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City — Arestado ng mga tauhan ng Lemery police ang katulong na pinagsasaksak ang 69-anyos na lolo at 67-anyos na lola noong Huwebes pero himalang nabuhay.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas Pedro at Araceli na umano’y sinaksak ni alyas Mario, ayon kay Batangas police director P/Col. Meliton Salvadora Jr.
Nakatanggap ang mga pulis-Lemery ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen bandang alas-11:40 ng gabi at inireport ang pananaksak.
Napag-alaman na bandang alas-11:00 ng gabi biglang pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mga ito gamit ang isang kutsilyo.
Naisugod ang mga residente sa Metro Lemery Medical Center at nahuli naman ang suspek.
Kasalukuyang nakapiit sa Lemery custodial facility ang suspek habang inihahanda ang kinakailangang mga dokumento para sa paghahain ng kaso sa tanggapan ng piskal.

