Tulfo

Lotto winners haharap sa pagdinig sa Senado

118 Views
HAHARAP SA pagdinig sa Senado ang mga nanalo sa lotto sa umanoy posibleng maanomalya pamamaraan partikular ang multiple winner.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, gagawin niya ito sa isang executive session para maprotektahan ang pagkatao ng mga nasabing winners ngunit gigisahin umano niya upang maipalabas ang katotohanan dito dahil hindi umano siya kumbinsido sa mga nangyayaring ito.
” Duda talaga ako na may mamumuhunan dito.  Sa susunod na hearing iimbitahin namin ang Anti Money Laundering Council  para makita natin kung mga irregular.  I cannot blame the betting public. Kasi may loyal bettors hindi nananalo tapos may ilan na multiple winning.” ani Tulfo.
“I really think there is something here. Namuhunan ng P90M tapos tatamaan niya ng P600M? Tumaya para makuha at mapakyaw lahat ng numero? Baka may inside information.” dagdag pa nito.
Ayon pa rin kay Sen. Tulfo dapat magpaliwanag ang PCSO  kung papaano sila nag re-remit ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa mga lotto winnings lalo pa aniya at walang record sa BIR ang mga nanalo at wala rin ang mga ito ng tinatawag na taxpayer’s identification number (TIN)
“Based on PCSO records, there are thousands of winning bettors but only hundreds of them have TIN numbers. From now on I suggest that you don’t submit 000 TIN number to the BIR for the tax you would remit from the winnings because it will sow confusion and people will begin to think that you (people at PCSO) claimed the prizes yourselves,”  giit ni Tulfo sa Committee on Games and Amusement nuong Lunes March 18, 2024.
Base sa record, ani Tulfo ang isang tao ay pwedeng may 000 TIN na makakakuha ng kanyang premyo sa pamamagitan ng multiple winnings ngunit hindi ito ma che check kung deklarado ng maayos sa BIR.
Sinabi ni Tulfo na pwedeng ang taong ito ay  isang agent o kaya naman ay fixer dahil nga wala silang tamang deklarasyon sa kanilang TIN dahil sa kawalan ng fixed income na dapat ay natututukan ng husto at nakapag susumite rin ng tamang deklarasyon sa BIR para makolektahan umano ng tamang buwis.
Ito ani Tulfo dapat gawin regular na pamamaraan para hindi malusutan ang gobyerno.
“Bakit magsa submit sila ng walang TIN. Kaduda duda ito. Importante na malamang ang corresponding tax sa PCSO.”
Naniniwala rin si Tulfo na may hindi magandang nangaganap kung saan ay posible aniyang may matinding sabwatan sa PCSO at ilang sa mga ahente nito nakapaligid dito.
“Nakapag tataka lang talaga. Paano nalalaman ng agent na may mananalo at hindi P10 lang ang taya. parang may ideya na kung ano ang lalabas. May duda ako na may nakaabang.” giit ng senador.