Bus

Love Bus babalik sa kalye

Edd Reyes Mar 3, 2026
123 Views

PUMIRMA sa kasunduan sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes at Global Electric Transport Philippines President Sigfrido Tinga para sa libreng sakay sa Electric Love Bus simula sa Abril o Mayo.

Ang relaunching ng love bus bilang suporta sa naisin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng ligtas, maaasahan at accessible na sistema ng libreng pampublikong transportasyon sakay ng Love Bus upang maibsan ang gastusin ng mga mananakay.

“Through this partnership, we are introducing fully electric buses that are cleaner, quieter, and more modern.

These buses will help reduce pollution, ease congestion along key routes, and provide a more comfortable riding experience for passengers,” pahayag ni Artes.

Kumpiyansa si Artes na mapapanatili nila ang libreng serbisyo ng transportasyon sa publiko sa tulong ng Robinsons Land Corporation (RLC), Megaworld Corporation, Ortigas Land at International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (ISWIMS).

Aprubado na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pag-arangkada sa katapusan ng Abril o unang linggo ng Mayo ng Love Bus na kayang magsakay ng 30-pasahero sa mga pili munang ruta.

Kabilang sa ruta ng Love Bus southbound ang Robinsons Galleria, Estancia Mall, MMDA, Opus Mall, Arcovia Mall, at Eastwood City habang sa Eastwood City, C5-Eastwood Footbridge, C5-Green Meadows Footbridge, C5- Green Meadows Gate, Tiendesitas, C5-Julia Vargas, MMDA ang northbound.

Ayon kay Atty Artes, 10 unit ng Love Bus na bibiyahe ng lima hanggang anim kada araw mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 o alas-10:00 ng gabi, araw-araw depende sa pangangailangan ng mga pasahero.