Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Larawan: DOST-PAGASA/IG
Nation
Low Pressure Area namonitor sa labas ng PAR
Peoples Taliba Editor
Mar 8, 2026
390
Views
ISANG Low Pressure Area (LPA) ang namonitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) alas-8:00 ng umaga ngayong Linggo, Marso 8.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mababa ang tsansa na ito ay maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Batay sa tala ng ahensta, huling namataan ang LPA sa layong humigit-kumulang 1,405 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-monitor ng mga update at weather bulletin upang manatiling handa sakaling magkaroon ng pagbabago sa lagay ng panahon.

