PAGASA

LPA namataan sa E. Samar, bagyo sa labas ng PAR binabantayan

172 Views

ISANG low pressure area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA ang LPA ay nasa layong 255 kilometro sa hilaga ng Guiuan, Eastern Samar o 170 kilometro sa silangan ng Legazpi City, Albay.

Inaasahan umano na magdadala ito ng pag—ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Isa namang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR.

Ang tropical depression ay nasa layong 845 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Extreme Northern Luzon. May hangin ito na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugso na hanggang 55 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.