Calendar
LPA tropical depression na, tatawaging Domeng
TROPICAL depression na ang low-pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng northeastern Mindanao noong Martes at papangalanang Domeng sa oras na makapasok sa Philippine area of responsibility.
Alas-4:00 ng hapon namataan sa layong 1,370 kilometro silangan ng hilagang-silangan ng Mindanao at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kph.
Sinabi ni weather specialist Daniel James Villamil na maaaring pumasok ang bagyo sa PAR sa Huwebes o Biyernes.
Sa susunod na 24 na oras, sinabi ng Pagasa na ang extension ng tropical depression, kasama ng hanging habagat, ay patuloy na makakaapekto sa malaking parte ng Mindanao at Palawan.
Ang pagbuo ng tropical cyclone ay maaaring makatulong sa pagsisimula ng habagat na maaaring magdulot ng patuloy na pag-ulan sa Palawan, Visayas, at Mindanao sa mga susunod na araw.
