Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Motoring
LTFRB maglalabas ng desisyon kaugnay ng hiling na taas-pasahe sa susunod na linggo
Peoples Taliba Editor
Sep 28, 2023
516
Views
MAGLALABAS ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo kaugnay ng mga petisyon para itaas ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz inaasahang sa Martes ay lumabas na ang desisyon.
Mayroong nakabinbing dalawang petisyon sa LTFRB na humihingi ng pagtataas sa pamasahe.
Ang isa ay humihingi ng P2 dagdag sa minimum fare at ang isa ay dagdag na P1 provisional fare habang dinidinig pa ang P5 dagdag sa minimum na pamasahe.
Sinabi ni Guadiz na humingi pa ang ahensya ng mga karagdagang dokumento mula sa mga grupo ng transport sector bago maglabas ng desisyon.
Vivencio Dizon itinalagang bagong kalihim ng DOTR
Feb 13, 2025
Mabigat na parusa vs lasing na drayber, suportado
Jan 21, 2025
22 drayber huli ng LTO sa paggamit ng kalbong gulong
Jan 11, 2025