Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
LTO Chief Vigor Mendoza II LTO Chief Vigor Mendoza II

LTO chief: Kampanya vs reckless drivers paigtingin

Jun I Legaspi Apr 15, 2025
35 Views

INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor D. Mendoza II ang lahat ng regional directors at mga pinuno ng law enforcement units na paigtingin ang kampanya laban sa mapanganib na pagmamaneho, partikular ang mga tsuper ng pampublikong transportasyon.

Dahil limitado ang bilang ng mga enforcers, sinabi ni Mendoza na mahalagang maging maagap sa pagtugon sa mga reklamo na isinusumite sa mga social media platform ng LTO at sa hotline na Aksyon on the Spot 0929-2920865.

“Paulit-ulit na tayong nagbibigay ng babala laban sa reckless driving, at pinalawak pa natin ang ating information campaign hinggil sa mga batas-trapiko,” ani Mendoza.

Bilang panimula, ipinag-utos ni Mendoza ang 90-day preventive suspension sa lisensya ng driver ng pampasaherong bus na nasangkot sa aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX), pati na rin sa driver ng bus na tampok sa viral video ng “overspeeding” sa La Union.

Maglalabas din ng show cause orders laban sa mga may-ari at driver ng parehong bus, ayon sa LTO chief.

Nauna na ring ipinag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pagsuspinde sa operasyon ng kumpanyang may-ari ng bus na nasangkot sa insidente sa NLEX.

Ayon kay Mendoza, nakatuon ang kanilang imbestigasyon sa posibleng pananagutan ng kompanya sa pagkuha ng reckless driver, na isang paglabag na maaaring mauwi sa revocation ng lisensya ng driver.

Ganito rin ang hakbang na isasagawa laban sa may-ari at tsuper ng bus na lumitaw sa viral video kung saan makikitang nakiusap ang mga pasahero na magbagal ang takbo ng sasakyan.

Hinikayat din ni Mendoza ang publiko na gamitin ang kanilang impluwensya sa social media upang isumbong at i-call out ang mga PUV drivers. Maaari rin silang dumulog sa hotline ng LTO para mag-report.