Mendoza

LTO naglabas ng SCO, preventive suspension sa lisensya ng Koreanong nag-amok

Jun I Legaspi Nov 4, 2024
64 Views

NAGLABAS ng 90-araw na preventive suspension ang Land Transportation Office (LTO) sa lisensya ng Koreano na nag-amok sa loob ng Clark Freeport Zone noong nakaraang linggo.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, isang Show Cause Order (SCO) ang inilabas na nag-uutos sa Koreano na humarap sa regional office ng ahensya sa Pampanga at magsumite ng sinumpaang salaysay sa loob ng tatlong araw matapos matanggap ang dokumento.

“Due process will be observed on this incident and we assure the public that necessary sanctions will be imposed,” ayon kay Assec Mendoza.

Sa SCO na nilagdaan ng LTO-Region 3 Director, inatasan ang Koreano, na driver ng SUV, na magbigay ng paliwanag ukol sa kanyang hindi katanggap-tanggap na asal na itinuturing na isang akto ng reckless na pagmamaneho.

Ayon sa SCO, ang asal ng Koreano ay nagdulot ng panganib sa ari-arian, kaligtasan, at karapatan ng ilang indibidwal, at nagresulta sa labis at hindi makatwirang pinsala sa kalsada.

“Such act manifested an utter disregard of the traffic rules and regulations, making you an improper person to operate a motor vehicle,” ayon sa SCO.

Batay sa ulat ng pulisya, nasagasaan ng Koreano ang motorsiklo ng isang guwardya ng Clark Freeport Zone at sinadyang banggain ang gas pump ng kalapit na gasolinahan na nagdulot ng sunog.

“Failure to submit an affidavit of explanation under oath at the above-stated time shall be construed as a waiver to be heard and to contravene the above-cited violation, leaving this Office to resolve the case administratively and accordingly based on the available records,” saad sa SCO.

“This Show Cause Order is without prejudice to any civil or criminal that is to be filed in the regular courts. Pending investigation, your driver’s license will be suspended for a period of ninety (90) days effective upon the receipt of this Show Cause Order,” dagdag nito.