LTO1

LTO nagpatupad ng 3 araw na pagsasanay sa law enforcers

Jun I Legaspi Dec 1, 2024
58 Views

NAGSAGAWA ng tatlong araw na pagsasanay ang Land Transportation Office (LTO) para palakasin ang mga law enforcement personnel nito sa pagpapatupad ng mga alituntunin at regulasyon sa kaligtasan sa kalsada.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza, layunin ng 3 araw na Training for Trainers (TOT) na paghusayin ang kaalaman ng mga law enforcement personnel upang masiguro ang disiplina sa mga motorista, lalo na ngayong nalalapit na ang holiday season.

“Those who underwent this three-day training seminar are expected to conduct their own training program to all our law enforcement personnel in every province and region,” ayon kay Mendoza.

“Our goal is to continuously upgrade the knowledge and skills of our law enforcement personnel to compel motorists to behave and observe discipline every time they use the road,” dagdag niya.

Sinabi rin niya na ang mga ganitong pagsasanay bahagi ng adbokasiya ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan sa kalsada sa buong bansa.

Pinangunahan ng Traffic Safety Division (TSD) ang training sa ilalim ng Law Enforcement Service (LES) at nakatuon sa pagpapatupad ng mga probisyon ng Memorandum Circular (MC) No. VDM-2024-2019 ukol sa Revised Guidelines para sa Deputation ng LTO Deputies at Deputized Agents.

Binuksan ni LTO Executive Director Greg Pua Jr. ang seminar at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging laging updated ng mga LTO enforcer sa mga alituntunin sa trapiko kasabay ng pagsisikap ng pamahalaan na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

Naroon bilang mga resource person sina TSD Acting Chief Danilo J. Encela; Traffic Safety Training and Advocacy Section Chief Beverly C. Sabela; Enforcement Section Chief Farish H. Lim; Regulation Section Chief Joel V. Ybañez; Intelligence and Investigation Division (IID) Chief Renante G. Melitante; at mga Transportation Regulation Officers Allan L. Garcia at Jerome C. Rodriguez.