Tugade

LTO, nakakuha ng bagong tagagawa ng plaka

Jun I Legaspi Apr 1, 2022
347 Views

NAGSIMULA nang gumana ang ikalawang automated license plate-making machine na nakuha ng Land Transportation Office (LTO), bilang bahagi ng modernization efforts ng ahensya at mabilis na pagsubaybay sa pamamahagi ng plaka.

Ang bagong plate-making robot, partikular para sa paggawa ng motorcycle license plates, ay ang pangalawang plate-making machine na nakuha ng LTO para sa sarili nitong Plate-Making Facility sa Quezon City.

Ang unang makina ay nakatuon sa paggawa ng mga plaka ng sasakyang de-motor.

Ang makina ay may kakayahang gumawa ng 450 motorcycle plates kada oras sa maayos at sistematikong paraan o 3,600 motorcycle plates sa walong oras na shift sa isang araw, at 7,200 motorcycle plates kada araw sa two-shift basis.

Ang makina, na pamamahalaan ng dalawang tauhan ng LTO, ay makakapag-produce ng kabuuang 158,400 motorcycle plates kada buwan sa two-shift per day basis.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na ang pagdating ng motorcycle plate-making machine ay tutugon sa mga paulit-ulit na problema sa pag-iisyu ng mga plaka ng motorsiklo, na nangyari dahil sa mga isyu ng backlogs sa nakaraan.

“First time natin nagkaroon ng high-tech na robot na gumagawa ng plaka, first time din natin nagkaroon ng dalawa. Hindi na ‘ho mano-mano ang paggawa ng ating plaka. Sa tulong nitong IDE-Robot, mas mapapabilis pa natin ang distribusyon ng plaka para sa ating mga motorista. Kailangan kong purihin si Asec. Galvante para sa mahalagang hakbangin na ito,” sabi ni Secretary Tugade.

Samantala, ipinaliwanag ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante na ang pinakabagong plate-making machine ay makadagdag sa mga umiiral nang plate-making machine sa LTO Plate-Making Facility upang matiyak ang mas mahusay at mabilis na paggawa ng mga plaka ng sasakyan at motorsiklo.

“Malaking tulong ito para i-augment ‘yung kasalukuyang kapasidad ng ating pasilidad. At sa ating paggawa, patuloy tayong magdi-distribute upang makapagbigay tayo ng mga plaka para sa lahat ng rehistradong sasakyan,” paliwanag ni Asec. Galvante.

Itinatag noong Abril 2018, ang LTO plate-making facility ay magpapabilis sa produksyon at pamamahagi ng mga plaka na dating outsourced noon. Kasama si Joanne Rosario, OJT.