Calendar
Basketball
Lucky 13 sa Pampanga
Robert Andaya
Jun 24, 2024
153
Views
LUCKY 13 para sa Pampanga Giant Lanterns.
Bahagya lamang pinagpawisan ang defending champion Pampanga bago pinayuko ang Bulacan, 124-81, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Nanguna ang 1-2 punch nina Archie Concepcion at Kurt Reyson para sa Giant Lanterns, na lumamang pa ng 46 points, 118-72, bago itala ang kanilang ika-13 sunod na panalo sa 14 na laro sa 29-team tournament, na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao sa tulong ni commissioner Kenneth Duremdes.
Si Concepcion, na nahirang na “Best Player of the Game”, ay nagsumite ng g19 points, 13 rebounds at nine assists, habang si Reyson ay nagtala ng triple-double na 15 points, 12 rebounds at 11 assists.
Nakatulong din ang iba pang mga Pampanga players na Jeff Viernes (18 points, seven rebounds, three steals); homegrown Ronan Santos (15 points, six rebounds);Jhaymo Eguilos (10 points, five rebounds, two assists, two blocks): at Lervin Flores (10 points, nine rebounds at four assists).
At bagamat hindi nakaaro ang 6-foot-8 MVP na si Justine Baltazar at 6-6 Allen Bryant Liwag, nadomina pa din ng Giant Lanterns ang Kuyas sa rebounds, 67-41.
Sa three-point shooting, matindi din ang Giant Lanters sa14-of-27 performance (51.9 percent), na kung saan si Reyson ay may 5-of-9 shooting at si Concepcion ay may 3-of-5 effort.
Ang Bulacan, na nalugmok pa sa 2-12, ay nakakuha ng 19 points, four rebounds, two assists at two steals mula kay Jason Celis, 17 points at four rebounds mula kay Jan Baltazar, 10 points, five rebounds at three assists mula kay Eric James Jabel, at nine points and 11 rebounds mula kay John Cayno Carandang.
Sa ibang mga laro, ginulat ng Quezon City ang host Pangasinan, 78-74, at pinataob ng Nueva Ecija ang Bataan, 85-70.
Humirit ng three-point shot si John Paul Cauilan sa huling 9.5 seconds para burahin ang 72-71 kalamangan ng Pangsainan at itakas ang kanilang ika-pitong panalo sa 14 na laro.
Namuno para sa Quezon City si Paul Garcia, na may 22 points, kasunod si Rhinwill Yambing, na may 19 points, nine rebounds, at three steals, at Chino Mosqueda, na may 11 points, eight assists at seven rebounds.
Si Hesed Gabo ay nagtala ng 18 points at si Allen Mina ay nagdagdag ng 12 pointrs para sa Pangasinan, nay bumaba sa 5-9 win-loss record.
Matapos ang one-day break, magbabalik aksyon sa MPBL sa Batangas City Coliseum, na kung saan magtutuos ang at Manila simula 4 p.m., Davao at Abra sa 6 p.m. at Valenzuela at Batangas sa 8 p.m.
Pampanga nasungkit ang MPBL North title
Nov 13, 2024
St. Clare wala pa ding talo
Nov 11, 2024
Pilipinas Youth Dreamers sumabak sa Taipei
Nov 11, 2024
Pampanga winalis ang Nueva Ecija
Nov 1, 2024
San Juan balik sa MPBL finals
Nov 1, 2024
NAASCU: Saints hindi maawat
Oct 30, 2024
Quezon hindi nagpa-awat
Sep 6, 2024