Calendar
Luis hinangaan nang mag-sign language para sa audience
SALUDO ang netizens sa hosting skills ng TV host-actor na si Luis Manzano matapos nitong lapitan at kausapin gamit ang sign language ang isang studio audience sa noontime show na “It’s Your Lucky Day.”
Viral nga ngayon sa social media ang video nang pagbigyan ni Luis ang isang audience na sumayaw at inabutan pa niya ito ng papremyo dahil sa ginawang todo hataw na sayaw.
“Bago ang lahat, Direk sorry. Kasi gusto ko lahat ng ka-Lucky natin involved. May tumatawag sa akin kanina pa na isang isang ka-Lucky natin na kung hindi ako nagkakamali ay medyo may konting problema po sa pandinig,” pahayag ni Luis.
“Hi, Lester! Ako si Luis, hello. Kase kanina joke tayo so heto ngayon gusto mong sumayaw. Ikaw, pwede kang sumayaw,” sey ng TV host sa studio audience.
“Hi, Lester! Ako si Luis, hello. Kase kanina joke tayo so heto ngayon gusto mong sumayaw. Ikaw, pwede kang sumayaw,” saad pa ni Luis.
Marami ang bumilib sa ginawang ito ni Lucky. Narito ang ilang komento ng netizens:
“The effort to reach out acknowledge the audience!! I hope to see more of this on tv. Sana even on shows kahit noon time or pre-noontime meron na din sign language translator sa baba ng frame para lahat maka enjoy ng shows.”
“One of the best hosts in Philippine TV talaga.”
“AYYY BONGGA, parang first time sa Philippine Television yung host doing this.”
“Si Luis na talaga ang pambansang host.”