Jericho Larawan mula sa IG/@jerichorosalesofficial

Melai nag-react sa pagdila ni Echo: ‘Grabe ka gwapo’

180 Views

IBINANDERA ng aktor na si Jericho Rosales ang kanyang mga mirror selfie kung saan isa sa mga ito ay nakadila pa siya.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Echo ang ilang larawan na tila bagong gupit ang buhok ng aktor.

“Can’t find time to see my barber but I can find scissors,” pahayag ni Jericho sa caption ng kanyang post.

Hindi naman napigilang mag-react ng TV host-actress at comedienne na si Melai Cantiveros sa mga larawang ibinahagi ni Echo.

“Grabe ka gwapo,” sey ni Melai sa comment section.

Matatandaang nagkaroon ng interaction ang dalawa sa naganap na ABS-CBN Ball kung saan nawindang si Melai matapos siyang yakapin ni Jericho.

Nagbigay reaksyon at komento rin ang ilang netizens sa kagwapuhan ni Jericho.

“Grabe di tumatanda! And still same pogi.”

“Iba ang ismayl mo dyan.”

“Ang dila mga sisss.”

“Nakakainlove Lalo myluves echo. Managinip na naman ako nito mamaya.”