Sylvia Larawan: Sylvia Sanchez/ IG

Sylvia Sanchez ginawang taga-picture ng ArMaine

140 Views

IBINAHAGI ng batikang aktres na Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram post, Oktubre 16, na masayang-masaya siya para sa mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sey ni Sylvia, grateful siya na ang aktres na si Maine ang napangasawa ng kanyang anak dahil mabait at mapagmahal umano ito.

“It feels so great to be a mother–in-law lalo na pagkasundo mo ang daughter-in-law mo.

What a Blessing to have this kind of relationship with you my daughter @mainedcm. Ito ang tanging hiling namin sa mga anak namin. Uwian kami ng mabubuting asawa. Maine nak, I Love watching you & Arjo Happy and I am behind you two 100%,” aniya.

Dagdag pa ng aktres, kahit taga-picture lamang siya, natutuwa naman siyang masaksihan ang mga naging achievements ng dalawa. Pabirong sabi pa niya, sa susunod ay sila naman ang tagakuha ng litrato ng kanilang anak.

“Ako taga picture at taga-video ninyo so we can capture wonderful moments. At gaya ng sabi ko sayo, ito din ang gagawin mo later on sa mga magiging anak nyo ni Arjo. Let’s fill up our hearts with countless happy memories. This is our second trip together and super excited ako dahil ang next trip natin ay kasama na ang buong pamilya,” saad pa ni Sylvia.