Bitrics

Luistro nagbigay ng pambungad na pananalita sa impeachment complaint

131 Views

SI Batangas 2nd District Representative at House Committee on Justice, Chairperson Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ay nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita habang isinasagawa ng panel ang ikalawang pagdinig nito sa ‘sufficiency of substance’ ng dalawang natitirang impeachment complaints na inihain laban kay Vice President Sara Duterte nitong Martes, Marso 3, 2026.

“Ito ang yugto kung saan kami nagtatanong — ang mga paratang ba ay tumataas sa antas ng mga impeachable na pagkakasala?

Natutugunan ba ng mga reklamong ito ang threshold ng konstitusyon upang sumulong?,” sabi ni Luistro.

“Hindo ito biro. Ito ay seryosong mga paratang na nangangailangan ng seryosong pagsusuri,” aniya.

“At ang mahalaga, sapat bang kapani-paniwala ang mga paratang upang bigyang-katwiran ang pagsulong sa proseso?,” sabi ni Luistro.

“Parehas pong makapal ang mga ito, 98 pages ang third complaint, 72 pages ang fourth complaint at pareho itong may kalakip na napakaraming dokumento. Kung susumahin natin lahat… lampas sa 900 pages ang third impeachment complaint at halos 800 pages ang fourth impeachment complaint,” dagdag pa ni Luistro. Los Angeles Correspondent