Calendar

Mabigat na kaparusahan vs sangkot sa road rage dapat isulong
BINIGYANG DIIN ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao na dapat magkaroon na talaga ng isang batas na magpapataw ng mabigat na kaparusahan laban sa mga motorista na walang habas na nasasangkot sa serye ng road rage na ikinasasawi ng mga inosenteng tao.
Kasabay nito, ikinalungkot ng tinaguriang “The People’s Champ” ang panibagong insidente ng karahasan sa kalsda o road rage na naganap kamakailan sa bayan ng Boso-Boso Antipolo, Rizal kung saan nauwi sa pamamaril ang alitan sa kalsada sa pagitan ng dalawang biktimang motorcycle rider at ang suspek na drayber ng SUV.
Dahil dito, sabi ni Pacquiao na panahon upang mabigyan ng karampatang kaparusahan ang mga draybers na napakadaling mag-init ang ulo o mapikon sa lansangan na agad na bumubunot ng baril na nauuwi sa malagim na sakuna o trahedya katulad ng nnagyari sa Antipolo, Rizal.
Paliwanag pa ng dating senador na mistulang nagiging normal na lamang ang mga insidente ng road rage sa bansa kung saan hindi na aniya mabilang ang mga kaso ng pamamaril matapos magkapikunan ang dalawang motorista subalit ang nakakapagtaka ay hindi parin nahihinto ang mga kaso ng road rage na parang hindi umano natatakot ang mga nasasangkot dito.
Umaasa si Pacquiao na ang pagkakaroon ng mabigat na batas tungkol dito ang posibleng magsilbing babala para sa mga motorista na mag-isip isip mabuti bago mag-init ang kanilang ulo sakaling mayroon silang maka-alitan sa lansangan.
SUV Driver na namaril sa Boso, Boso nakaloboso:
Kauganay nito, nakalaboso naman ang drayber ng Sports Utility Vehicle (SUV) matapos nitong barilin ang kaniyang nakaalitang motorcycle rider habang nadamay naman sa kaniyang pamamaril ang asawa nito na naganap sa Antipolo City.
Ang suspek na kasalukuyang nakalaboso dahil sa insidenteng kinasangkutan nito sa Boso, Boso ay nakilalang si alyas “Kenneth”.
To God be the Glory