Romero

Mabilis na saklolo ng DSWD sa mga nasalanta ni Dodong pinapurihan

Mar Rodriguez Jul 15, 2023
165 Views

Romero1PINAPURIHAN ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang naging mabilis na pagkilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para saklolohan at tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Dodong sa pamamagitan ng regional offices ng ahensiya.

Ikinagalak ni Romero ang mabilis na aksiyon ni DSWD Sec. Rex Gatchalian matapos nitong pakilusin ang kanilang Disaster Response and Management Division – Quick Reaction Team (DRMD-QRT) para agad na saklolohan ang mga nasalanta ng bagyong Dodong.

Nananawagan din si Romero kay Disaster Response and Management Group (DRMG) Undersecretary Dianne Cajipe para matiyak na ang mga family food packs ay mabilis na maipapamahagi sa mga biktima ng bagyong Dodong na kasalukuyang nasa iba’t-ibang evacuation centers.

Kasabay nito, inihayag din ni Romero ang matagumpay na pamamahagi nito ng financial assistance para sa mahigit 840 residente ng Mandaue City, Cebu para tulungan mahihirap na Cebuano na magkaroon ng livelihood o pagkakakitaan sa pamamagitan ng ipinamahaging cash assistance.