Yedda

Mabilisang ayuda ng DSWD isabatas—TINGOG Party-list Reps. Yedda, Acidre

172 Views

ITINULAK nina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre ang pagsasabatas ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kina Romualdez at Acidre ang House Bill 1940 na kanilang inihain ay alinsunod sa 1987 Constitution na nagmamando sa gobyerno na tulungan ang mga mamamayan na maka-ahon mula sa kahirapan.

“AICS is social safety net or stopgap measure to support the recovery of individuals and families who are indigent, vulnerable, disadvantaged or are otherwise in crisis situation. It provides psychosocial intervention through therapies, direct financial or material assistance which enables such individuals and families to meet their basic needs in the form of food, transportation, medical educational, or burial assistance, and, referral to other services of other national government agencies,” sabi ng mga may-akda ng panukala.

Ang AICS ang programa ng DSWD para sa pagbibigay ng material at financial assistance sa mga nangangailangan.

Nasa ilalim ng panukala ang transportation assistance na para sa mga nais na bumalik na sa kanilang probinsya. Ang halaga nito ay nakadepende sa halaga ng tiket at isang beses kada taon lamang maaaring gamitin.

Mayroon din itong medical aid na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P150,000 at maaaring hingin kada tatlong buwan.

Ang burial assistance naman ay nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P25,000.

Sa ilalim ng AICS ay nagbibigay din ang DSWD ng P1,000 hanggang P10,000 educational assistance. Ang halaga ay nakadepende sa educational level ng mahirap na estudyanteng humihingi ng tulong.

Mayroon ding food assistance, at iba pang cash assistance.

Ang mga kumukuha ng tulong ay sumasailalim sa screening ng DSWD. Kailangan ding magsumite ng mga idnetification card at iba pang dokumento na nagsisilbing patunay sa hinihinging tulong.