Madrona

Madrona: Mount Arayat ideklarang ecotourism site

Mar Rodriguez Nov 7, 2022
197 Views

NAIS ng isang veteran congressman na maging isang “ecotourism destination” ang makasaysayang Mount Arayat na matatagpuan sa munisipalidad ng Magalang, Pampanga para lalo pang makahikayat ng maraming lokal at dayuhang turista na bumisita sa nasabing lalawigan.

Bilang Chairman ng House Committee on Tourism, isinulong ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona ang House Bill No. 5169 sa Kamara de Representantes upang ideklara ang Mount Arayat sa lalawigan ng Pampanga bilang isang ecotourism destination.

Sinabi ni Madrona na kapag naisabatas ang kaniyang panukala, ang lokal na pamahalaan ng Arayat ang siyang makikipag-ugnayan sa Department of Tourism (DOT) para sa implementasyon ng mga rule and regulations (IRR) para sa pagsasa-ayos ng Mount Arayat.

Idinagdag pa ni Madrona na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang concerned government agencies naman ang siyang mangangasiwa para sa sa paglalatag ng tourism development plan kabilang na ang construction at maintenance.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na malaki ang maitutulong para sa Pampanga ang pagde-deklara sa Mount Arayat bilang isang ecotourism destination dahil muli nitong maibabangon ang nalugmok na economiya ng nasabing lalawigan matapos ang dalawang taong pandemiya.

Ayon kay Madrona, ang isa sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 panemic ay ang tourismo ng Pampanga partikular na sa Arayat bunsod ng ipinatupad na restrictions at health protocol na naglimita sa galaw ng mga tao at pagbisita naman ng mga turista sa Pampanga.