Madrona

Madrona ikinagalak ang 6.2M trabaho na naibigay ng tourism industry

Mar Rodriguez Jun 20, 2024
140 Views

𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝘁𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗶𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗳𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼.

Ayon kay Madrona, lalong pinatunayan ng Philippine tourism ang napakagandang oportunidad na naibibigay nito hindi lamang sa pamamagitan ng malaking ganansiya na naiaambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas bagkos sa pamamaraan ng mga trabahong naibibigay naman nito para sa mraming Pilipino.

Ang tinutukoy ni Madrona ay ang naging financial standing ng Philippine tourism matapos itong makapagtala ng 6.21 milyong trabaho noong 2023. Kung saan, dumikit sa 6.3 milyong target nang taong iyon.

Binigyang diin Madrona na habang lumalaon ay paganda ng paganda ang kalagayan ng Philippine tourism o tourism industry sapagkat hindi lamang ito naghahakot ng napakalaking kita. Bagkos, nakakapag-bigay din ito mg magandang oportunidad para sa mga Pilipinong walang trabaho.

Base naman sa datos ng Philippine Tourism Sattelite Account (PTSA) sa ilalim ng Philippine Statistics Office (PSA) na inilabas noong June 18 makikita na lumaki ng 6.4℅ ang trabahong nalikha sa mga industriyang may kinalaman sa tourism industry mula 5.84 million noong 2022 tungo sa 6.21 million naman noong 2023.

Sabi pa ni Madrona na nagbigay din ng pinakamataas na paglago ang turismo bilang isang industriya batay sa ulat na may 8.6℅ bahagi ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.