Madrona

Madrona kinatigan si PBBM tungkol sa solidong rerouting plans

Mar Rodriguez Jun 9, 2025
17 Views

Madrona1Madrona2KINATIGAN ni Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pahayag ni President Bongbong R. Marcos, Jr. na hindi dapat ituloy ang rehabilitation ng EDSA kung wala rin lang naman solidong rerouting plans para dito.

Sabi ni Madrona na tama ang ipinahayag ng Pangulo na kung wala rin lang naman tiyak na rerouting plans ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay mas mabuting huwag ng ituloy ang nasabing proyekto.

Bilang Vice-Chairman ng House Committee on Transportation, ipinaliwanag ng kongresista na kung itutuloy ng DPWH at MMDA ang nakabinbing proyekto sa EDSA nang wala silang inilalatag na solidong rerouting plan. Tiyak na katakot-takot na perwisyo umano sa libo-libong motorista ang idudulot nito.

Muling iginiit ni Madrona na napakabigat at seryosong usapin ang EDSA Rebuild project kaya mahalaga na mag-usap muna ang mga government agencies sa pangunguna ng DPWH upang mailatag ang mga solusyon bago simulan ang proyekto.

Pagbibigay diin ng beteranong mambabatas na kapag naging padalos-dalos ang mga ahensiya ng pamahalaan sa paglulunsad ng nasabing proyekto at hindi ito pinag-aralang mabuti. Tiyak na maraming mamamayan ang lubhang mape-perwisyo.

Ayon kay Madrona, hindi naman maituturing na “immediate” o kinakailangan ang EDSA Rehabilitation project. Kung saan, maaari naman itong makapag-hintay kaya mahalagang magbalangkas muna ng mga solidong rerouting plans bago ang pagsasagawa nito.

Samantala, pinangunahan ni Madrona ang pagtitipon ng mga mag-aaral at guro ng Romblon State University (RSU) kung saan lalahok ang mga estudyante ng RSU sa gaganaping Dalhousie University Summer Enrichment Camp sa Halifax, Nova Scotia Canada. Isang programa para sa specialization sa larangan ng agrikultura at engineering.