Calendar

Madrona nagpasalamat kay PBBM dahil sa suporta sa industriya ng turismo
๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ข๐ง ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฏ๐น๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ป๐ฒ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐๐ฒ๐๐๐ “๐๐๐ฑ๐ผ๐” ๐. ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ ๐ฝ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ “๐๐ผ๐ป๐ด๐ฏ๐ผ๐ป๐ด” ๐ฅ. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐, ๐๐ฟ. ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐ฑ๐๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ.
Paliwanag ni Madrona, dahil sa suportang ibinibigay ng administrasyong Marcos, Jr. sa tourism industry, malaki ang naiaambag nito sa kaban ng panahalaan o sa ekonomiya ng bansa na itinuturing na “economic driver” dahil sa malaking ganansiya na nakukuha mula sa turismo.
Ayon kay Madrona, mula ng magwakas ang mahaba-habang pamumuksa ng COVID-19 sa bansa, malaki na ang inasenso ng Philippine tourism sapagkat nagbalik na ang dating sigla nito sa pamamagitan ng pagdagsa ng milyong turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Sabi din ng kongresista, hindi basta-basta matatawaran ang ibinibigay na suporta ng Punong Ehekutibo para sa tourism industry sapagkat maaaring nakikita nito ang malaking potensiyal ng Philippine tourism upang unti-unting maibangon ang ekonomiya ng bansa mula sa pandemiya.
Pagdidiin pa ni Madrona, dahil sa mahusay na pamumuno ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco, naging tanyag ang turismo ng Pilipinas sa buong mundo kaya maaaring ito rin aniya ang dahilan kung bakit napakaraming turista ang dumadagsa sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Madrona, hindi lamang malaking ganansiya ang natatamo ng tourism industry kundi ang mga prestisyosong parangal gaya ng pagiging tagapangulo nito ng United Nation (UN) Tourism Regional Commission para sa Silangang Asia at Pasipiko. Kasama na dito ang pribilehiyo para maging host ng mga Joint Commission Meetings na idinadaos sa bansa.
Nagbigay pugay din ang mambabatas sa pagsisikap ni Pangulong Marcos, Jr. na maitaas ang kalidad ng turismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga isinusulong nitong programa at proyekto.