Madrona

Madrona pinapurihan DOT dahil sa pagpapakita ng pagmamahal sa mga PWDs

Mar Rodriguez Jul 31, 2024
106 Views

Madrona1Madrona2Madrona3Madrona4𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗨𝗥𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 (𝗗𝗢𝗧) 𝗯𝘂𝗻𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗮 “𝗗𝗶𝗳𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝘁𝗹𝘆-𝗔𝗯𝗹𝗲𝗱 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲” 𝗼 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝘁𝗮𝗴𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘀𝗽𝗲𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝘀𝗶𝗸𝗮𝗹, 𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗽𝘀𝘆𝗰𝗵𝗼𝗹𝗼𝗴𝗶𝗰𝗮𝗹.

Ayon kay Madrona, ito ang unang pagkakataon na ipinaramdam ng Tourism Department sa ilalim ng liderato ni Secretary Maria Christina Garcia Frasco ang kanilang malasakit at pagmamahal para sa sektor ng mga Differently-Abled People na itinuturing din bilang mga Persons With Disabilities (PWDs).

Sabi ni Madrona, nabigyan ng pagkakataon ang mga Differently-Abled People na maipamalas ang kanilang natatanging talento sa pamamagitan ng inilunsad na PWD Bazaar 2024 ng DOT na ginanap sa DOT Central Office sa Makati City na pinangunahan naman ng Training and Development Division (TDD).

Ipinaliwanag ng kongresista na sa pamamagitan ng nasabing Bazaar naipapakita ng mga DAP ang kanilang husay, talino at abilidad sa kabila ng kanilang kapansanan na makikita sa mga produktong ibinebenta at naka-display na sila mismo ang gumawa o lumikha.

Dagdag pa ni Madrona, bilang chairperson ng Committee on Tourism nakakatuwa lamang aniya na mayroong programa ang DOT para sa mga DAP at PWDs upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapagpamalas ng kanilang talento at kahusayan sa paggawa ng mga sari-saring produkto.

Ipinabatid naman ng Tourism Department na ang inilunsad nilang proyekto ay kaugnay sa naging pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) na naglalayong isulong at paigtingin ang kamalayan o awareness ng publiko patungkol sa karapatan at kagalingan o welfare ng mga PWDs.

Dahil dito, paliwanag pa ni Madrona. Nakasaad din sa Tourism Act of 2009 o Republic Act No. 9593 ang pagsusulong o promotion ng kagalingan ng mga PWDs kung saan tinitiyak dito na mapangangalagaan ang kanilang karapatan.