PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
Mag-asawa nakitang patay matapos makipaglamay
Gil Aman
Dec 7, 2025
557
Views
NATAGPUANG kapuwa wala ng buhay sa loob ng master bedroom ang mag-asawang parehong may tama ng bala sa katawan noong Sabado ng gabi, matapos makipaglamay sa patay na kapitbahay sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal.
Kinilala ng pulisya ng Cainta ang mga biktima na sina alyas “Bamba” at “Che Che.”
Nadiskubre ang bangkay ng mga biktima bandang alas-11:20 ng gabi.
Bago umano matagpuang patay ang dalawa ay nakita na magkasama na dumalaw pa sa lamay ng kanilang kapitbahay.
Ayon sa pulisya ng Cainta, isang Glock 23 pistol at isang Sulun shotgun ang narekober mula sa crime scene.
Sinabi ng ilang saksi na posibleng depression ang ugat ng pagkamatay ng lalaki na idinamay lamang ang babae.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

