Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
Mag-iinuman sa lansangan swak sa kulungan
Peoples Taliba Editor
Apr 6, 2026
300
Views
MAHIGPIT na ipinagbabawal ang pag-inom sa mga kalsada, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Sa isang press conference nitong Lunes, nilinaw niya: “Meron tayong Anti-Public Intoxication Act. Bawal na ang mag-inom sa kalye. Bawal na ang maglatag ng mga silya at mga lamesa sa mga kalye at mag-inuman,” ani Remulla.
Dagdag pa ng kalihim, paiigtingin ang pagpapatupad ng batas laban sa mga lalabag: “Sinasabihan ko ang lahat, pasensyahan tayo. Pag kayo mag-inuman sa kalye huhulihin namin kayo,” dagdag pa niya.

