Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
Calendar

Provincial
Mag-jowa nag-away, bebot todas
Jojo Cesar Magsombol
Mar 2, 2025
57
Views
PATAY ang isang babae na binaril ng ka live-in matapos ang away na nagbaril rin sa sarili sa Brgy. Mainit, Mabini, Batangas.
Kinilala ni Mabini police chief P/Maj. Billy John Mactal ang mga biktima na sina alyas Patrick, 36, at alyas Katherine, 39.
Nadatnan ng mga pulis ang duguang mag live-in na nakabulagta sa loob ng kanilang silid at may tama ng bala sa ulo.
Isang baril na kalibre .45 ang nakita sa sahig, ayon sa imbestigasyon.
Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-6:30 ng gabi ng mag-away ang mag live-in partner na nagtulak kay Patrick na barilin si Katherine.
Pagkatapos noon, nagbaril sa sarili ang lalake dahil may tama sa ulo gamit ang parehong baril, ayon sa mga pulis.
SEN. PIA INENDORSO NI GOV. GARCIA
Apr 2, 2025