Calendar
Mag kinilala si Manila VM Chi
KINILALA ng Rising Tigers Magazine si Manila Vice Mayor Chi Atienza noong Martes bilang isa sa “People to Watch 2026” dahil daw sa mapagkalingang pamumuno ng bawat Manileño.
Bilang presiding officer ng 13th City Council, itinuon ni Atienza ang pagtataguyod sa mga karapatan ng senior citizens, persons with disabilities, single parents, mga manggagawa at pagtiyak na mapabilang sa komunidad ang mga Muslim, LGBTQIA at ang wastong pangangalaga sa mga hayop.
Itinampok din ng Rising Tigers ang ginawa ni Atienza na maging patakaran ang kanyang adbokasiya, lalo na ang kanyang paniniwala na uunlad ang lungsod kung magkakaisa ang mga pinuno.
“This award reminds me of my responsibility as a public servant to open my ears and my heart to the constituents who put me here,” sabi ni Atienza.

