Guess

Magaling na aktor bangag sa set, nag-briefs

Jun Nardo Jul 3, 2024
23 Views

BANGAG sa ipinagbabawal na droga ang isang magaling na aktor nang dumating sa set ng pelikulang ginagawa niya.

Bawat makasalubong na staff, hindi ang tunay na pangalan nito ang sinasabi ng aktor pati na ang isang sexy actress na kasama sa movie na kinulit-kulit niya.

Pinagsabihan si aktor ng director na tigilan ang kakakulit sa sexy actress. Tumahimik naman siya sa takot na muling matarayan ng director, huh!

Pero hindi napigilan ang aktor na paglabas ng dressing room ay nakasuot lang ng brief at walang pakialam kung pagtinginan siya ng lahat.

Tutok 13 umere na

UMERE na last July 1 ang bagong news program ng IBC 13 na Tutok 13.

Nagbigay ng information si Pia Castro-Medenilla, officer-in-charge ng TV News at Production, sa bagong news anchors ng Tutok 13 na sina Jhay Torres, Czarinah Lusuegro at Princess Jordan.

Ang president ng IBC 13 ay si Jimmie Policarpio. Bukod sa bagong anchors, meron din silang bagong studio/set.

Sa loob ng halos isang taon, pinamunuan ni Policarpio ang IBC 13 at nag-implement ng mga bagong programa upang maging visible muli ang IBC sa media industry.

Bukod sa Tutok 13, nagsimula na rin ang airing ng DWAN, ang AM station ng IBC na pinamumunuan ni Marc Logan, IF!