Jed

Manager binunyag totoong pagkatao ni Jed

Vinia Vivar Jul 6, 2024
34 Views

Nagpahayag ng sama ng loob ang manager (or shall we say, former manager?) ni Jed Madela na si Annie Mercado laban sa singer sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Sa Facebook kahapon, sinabi ng manager na hindi na siya mananahimik sa tunay na pagkatao ni Jed.

“So im doing my business and moving on with my life of positivity, joy and peace and tried to ignore pesky flies. But a friend sent me a song,” simula ni Annie.

Ang tinutukoy niyang kanta ay ang latest single ni Jed titled Wish U The Worst na feeling niya ay para sa kanya.

“Once and for all, im putting an end to this. Since he went public via a song, i am no longer going to keep quiet about this person. Im naming him dont worry.

“This song is about relationships but we’re not dumb to think its not about us, the very family who took good care of him and loved him from the day he set foot in manila. So yeah im not playing the game of this ungrateful man anymore,” pahayag ng manager.

Ayon pa kay Annie, punong-puno ng negativity ang kanta at sumasalamin sa klase ng pagkatao ni Jed.

“Wish u the worst (his new song) – this song tells you so much about the kind of person the singer truly is. Title pa lang he invested on negativity na. Its Full of negativity, hate, and bitterness always playing the ‘victim’ when he is the offender,” aniya.

Pagbubunyag pa niya sa dating alaga, “He’s always played the game ‘if the shoe fits’… well sorry, i dont wanna play… i don’t hide behind songs and post with double meanings.”

Kasunod nito ay hinamon niya si Jed na sabihin kung ano ang totoo sa press.

“Jed Madela, dont taunt me with a song. Panindigan mo yan ha. Let’s go to the press and tell all. If you dont wanna, i will. I think people wanna know the truth,” she said.

“Share until this reaches him because he blocked all of us,” pagtatapos pa ng manager.

Sa comment section ay marami ang nagulat at nag-react sa kanyang pahayag at sinasagot naman niya ang mga komento ng netizens.

Aniya, “I’ve managed him for 23 yrs until he is what he is right now. Thats the business side. Ive known him since birth and me and my family loved him unconditionally, like a son and brother. And he chose to disrespect. That for me is my closure. End of the line.”

Sagot naman niya sa netizen na nagsabing first time nito na nakabasa ng ganitong post about Jed, Annie replied, “i dont naman usually but jed is just too much. Just too much already.”

May mga pahapyaw na ni-reveal pa si Annie sa comment section about Jed na may kinalaman sa pera at sinabing soon ay sasabihin niya ang detalye.

Samantala, bukas ang aming pahina para sa panig ni Jed tungkol dito.