Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Valencia Source: DA

Magandang itim na bigas meron na sa Valencia City

Cory Martinez May 12, 2025
15 Views

MAKAKABILI ang mga residente ng Valencia City, Bukidnon ng magandang klaseng black rice sa pagsasanib-pwersa pwersa ng Araneta Farmers Agrarian Reform Beneficiaries Association Multipurpose Cooperative (AFARBAMCO) at NVM Marketing, Inc.

Nag-collaborate ang AFARBAMCO at NVM Marketing sa pangangasiwa ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Mabibili ang de-kalidad na black rice at makakatulong para mas makilala ang produkto at mas madaling maabot ng mga mamimiling naghahanap ng masustansyang pagkain.

Nilagdaan ang kasunduan sa seremonya na dinaluhan ng mga kinatawan ng DAR-Bukidnon, mga kasaping agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng AFARBAMCO at NVM Marketing, Inc.

Ayon sa kasunduan, magkakaroon ng nakalaang lugar ang kooperatiba sa pamilihan para sa kanilang produkto, isang hakbang para mas tumaas ang kita ng mga ARBs at matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili.

“Malaking hakbang ito para sa aming kooperatiba. Lubos ang aming pasasalamat sa DAR sa pagtulong sa amin na makapasok sa bagong merkado.

Ang pagkakataong ito hindi lang makakatulong sa kabuhayan ng aming mga miyembro, kundi naipapaabot din sa mas maraming tao ang benepisyo ng black rice sa kalusugan,” ayon sa kinatawan ng AFARBAMCO.

Ibinahagi ni DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Atty. Juliene Manlunas na mahalaga ang mga proyektong tulad nito sa pagbibigay ng mas matatag na kabuhayan sa mga ARBs.

“Ipinapakita ng proyektong ito ang hangarin ng DAR na suportahan ang mga ARB sa pamamagitan ng koneksyon sa maaasahang merkado,” aniya.

Inaasahan na ang kasunduan magpapalawak sa kakayahan ng AFARBAMCO na maipakilala ang kanilang produkto, magkaroon ng tuloy-tuloy na kita at makatulong sa paglago ng lokal na ekonomiya ng Bukidnon.

Isang kooperatiba ng ARRBs ang AFARBAMCO na nagsusulong ng masustansyang pagsasaka at pagtangkilik sa lokal na ani.

Samantala, ang NVM Marketing, Inc. kilalang pamilihan sa Valencia City na tumutulong sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang ani sa mga mamimili.