Co

Magandang pamumuno ni Speaker Romualdez kinilala ng Partylist Coalition

136 Views

KINILALA ng Partylist Coalition ang magandang pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Kamara de Representantes.

Ayon sa pangulo ng samahan ng mga party-list group sa Kamara na si House Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol Rep. Zaldy Co maganda ang naging pagtrato sa kanila ni Romualdez at hindi sila itinuring na second-class lawmakers.

“We laud Speaker Romualdez for his exemplary leadership, which was marked by a compassionate and fair treatment of partly-list organizations that were considered second-class solons in past Congresses,” ani Co.

Sinabi ni Co na mananatili ang suporta ng kanilang grupo sa supermajority coalition na pinamumunuan ni Speaker Romualdez sa pagtugon sa mga problema ng mga Pilipino.

Nangako naman ni Co na magsusumikap ang kanilang mga miyembrong mambabatas sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Binati rin ng Partylist Coalition si Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. na nahalal bilang bagong Senior Deputy Speaker ng 19th Congress.

“As Coalition President, I’m privy as to how SDS Gonzales worked diligently to help Speaker Martin Romualdez steer the House into approving a record-number of priority bills even before the conclusion of the First Regular Session,” sabi ni Co.

Naniniwala umano si Co na makakatulong si Gonzales kay Speaker Romualdez sa pagtaguyod sa 8-Point Socio-Economic Agenda ng administrasyong Marcos.