BBM2

Magandang takbo ng bansa dahil kay PBBM, Romualdez—NPC

136 Views

MAGANDA umano ang takbo ng bansa ngayon dahil sa mga ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanap ng mga bagong pamumuhunan upang dumami ang mapapasukang trabaho, at mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.

At ayon sa Nationalist People’s Coalition (NPC), ang nasa likod ng magandang ipinapakita ni Pangulong Marcos ay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“We, in the Nationalist People’s Coalition, recognize the successes that the Marcos administration has accomplished in barely a year in office. We attribute these successes in huge part to Speaker Martin Romualdez, who has worked closely with the President in realizing the administration’s Eight-Point Socio-Economic Agenda,” sabi ng NPC sa isang pahayag.

Ayon sa NPC nananatili ang suporta nito sa supermajority coalition na pinamumunuan ni Romualdez na ang layunin ay maging maayos ang kalagayan ng Pilipinas.

Binati rin ng NPC si Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, isa sa pinakamasipag na kongresista, sa kanyang pagkahalal bilang Senior Deputy Speaker ng 19th Congress.

“We in are optimistic that SDS Gonzales is the best person to help Speaker Romualdez in galvanizing the multi-partisan support for the country’s recovery from the pandemic and overall economic growth and development,” sabi ng NPC.

Ang pahayag ay inilabas nina Deputy Speaker Kristine Singson 2nd Dist ng Ilocos Sur at Congressman Michael John ‘Jack’ Duavit 1st District ng Rizal.