Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Utol

Magkapatid na sekyu nag-inuman, nagtalo; kuya dedo

Edd Reyes Apr 8, 2025
38 Views

NAPATAY ng security guard ang kanyang kuya na sekyu din matapos humantong sa suntukan ang pagtatalo nila habang nag-iinuman noong Lunes sa Caloocan City.

Todas agad ang 46-anyos na biktima sanhi ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at nadakip ng mga tauhan ni Caloocan Police chief P/Col. Edcille Canals ang 43-anyos na suspek makaraan ang pamamaslang.

Sa ulat ni Col. Canals kay Northern Police District (NPD) director P/BGen. Josefino Ligan, nag-iinuman ang magkapatid sa bahay nila sa DM Compound, Brgy. 73 alas-6:55 ng gabi ng magtalo na nauwi sa suntukan.

Nang umawat ang isang testigo, kumuha ng patalim ang suspek at sunod-sunod na tinarakan ang kanyang kuya sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at tumakas.

Humingi ng saklolo sa pulisya ang testigo at nasukol sa C-4 Road, Brgy. Longos, Malabon City dakong alas-11:55 ng gabi ang suspek.

Iprinisinta na ng pulisya sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa haharaping kasong murder.