Lindol

Magnitude 5.1 lindol inuga ang Palawan

42 Views

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang Palawan hapon ng Martes, Hunyo 11.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-2:58 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 91 kilometro sa silangan ng bayan ng Roxas at may lalim na 26 kilometro.

Naitala ang Intensity III sa bayan ng Roxas, at Intensity I naman sa mga bayan ng Cuyo at Narra na kapwa nasa probinsya ng Palawan.