Phivolcs

Magnitude 5 lindol yumanig sa hilagang Luzon

204 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.0 ang yumanig sa hilagang bahagi ng Luzon hapon ng Lunes, Nobyembre 7.

Naramdaman ang lindol ala-1:05 ng hapon. Ang epicenter nito ay 11 kilometro sa kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan, (Cagayan) at may lalim na 14 na kilometro.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga sumusunod na intensity:

Intensity V – Calayan, Cagayan

Intensity IV – Pagudpud, Ilocos Norte

Intensity III – Luna, Apayao; Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity II – Lal-lo, Buguey, Lasam at Peñablanca, Cagayan

Instrumental Intensities:

Intensity III – Claveria, Cagayan; Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity II – Peñablanca, Cagayan; Laoag City, Ilocos Norte

Intensity I – Gonzaga, Cagayan; Batac City, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur