LRT

Magpapabakuna laban sa COVID-19 may libreng sakay sa LRT-2

465 Views

BIBIGYAN ng one-day unlimited pass ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) ang mga magpapabakuna sa kanilang vaccination site laban sa COVID-19.

Bukod sa paghimok sa publiko na magpabakuna, sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) layunin ng programa na isulong ang safe public transport system.

“This free ride program aims to encourage more commuters to get vaccinated and boosted. We need to step up our vaccination efforts in order to ensure the safety and protection of our commuting public,” saad ng pahayag ng LRTA Management.

Nakipag-ugnayan ang LRTA sa lokal na pamahalaan ng Maynila at Antipolo City upang makapagtayo ng vaccination site sa istasyon na sakop ng kanilang hurisdiksyon.

Bukas ang vaccination site sa Recto station mula Martes hanggang uwebes alas-8 ng umaga hanggang 5 ng hapon. Ang vaccination site naman sa Antipolo station ay bukas mula Miyerkoles hanggang Biyernes alas-8:30 ng umaga hanggang 4 ng hapon.

Magbubukas din ang LRTA ng dagdag na vaccination site sa LRT-2 Araneta Center-Cubao station sa Marso 7 sa tulong ng Quezon City government.

Ang LRT-2 ay tumatakbo mula Recto hanggang Antipolo at dumaraan sa mga lungsod ng Maynila, San Juan, Quezon City, Pasig, Marikina at Antipolo.