Magsino

Magsino hiniling mas maigting na proteksiyon sa OFWs sa UK

Mar Rodriguez Nov 24, 2024
41 Views

NANANAWAGAN si OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang magkaroon ang pamahalaan ng mas maigting na proteksiyon para sa mga Filipino Household Service Workers na kasalukuyanf nagta-trabaho sa United Kingdom (UK).

Ang panawagan ni Magsino kay Pangulong Marcos, Jr. ay kasunod ng ginawa nitong pagbisita kamakailan sa London. Kasunod nito ang pakikipag-usap nito sa mga lider ng Filipino community sa naturang bansa kaugnay sa kasakuyang kalagayan ng libo-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa UK.

Ikinabahala ni Magsino ang impormasyong natanggap nito mula sa lider ng Filipino community sa London kung saan natuklasan na napakaraming “undocumented” Pinoy partikular na ang mga tinatawag na households service workers ang dumaranas ng pang-aabuso o exploitasyon sa UK.

Sabi ni Magsino na ikinababahala at naaalarma din ang mga lider ng Filipino community sa London patungkol sa dumaraming bilang ng mga undocumented OFWs na hindi naman bina-back-upan ng kanilang recruitment agency ay kadalasang nagiging biktima ng pang-aabuso.

Dahil dito, tiniyak ng kongresista sa mga lider ng Filipino community na magpapatuloy ang kaniyang adbokasiya para pangalagaan at proteksiyunan ang mga OFWs kasunod ang pagbibigay diin nito sa kahalagahan ng pagkakaroon ng panukala para agad na matugunan ang isyu sa mga undocumented Filipino workers sa ibayong dagat.

Hinihiling din ni Magsino sa mga awtoridad sa UK upang madaliin nila ang pagbibigay ng proteksiyon para sa mga OFWs sa kanilang bansa.

“Our workers deserve dignity and security. Wherever they work, my visit to the UK higkighted the critical need for international collaboration to protect the rights of Filipino workers abroad. We must ensure that they are not left vulnerable to exploitation,” paliwanag ni Magsino.

To God be the Glory