Magsino

Magsino humahataw sa budget deliberation ng Kamara para sa 2024 nat’l budget

204 Views

PUSPUSAN ang pagtatrabaho ng OFW Party List Party List Group bunsod ng serye ng mga meeting na dinadaluhan ng kinatawan nito na si Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino patungkol sa ginagawang deliberation ng Kamara de Representantes para sa 2024 proposed national budget.

Dahil dito, humahataw at walang sinasayang na sandali si Magsino sa pagdalo nito sa mga naka-schedule na budget deliberation ng Kongreso para naman sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na nagsu-sumite ng kanilang 2024 proposed national budget o budget ng kanilang tanggapan para sa susunod na taon.

Sa panayam ng People’s Taliba, ipinaliwanag ni Magsino na kaya puspusan ang kaniyang pagdalo sa budget hearing ng iba’t-ibang government agencies ay dahil nais nitong busisiin ang hinihinging budget ng isang ahensiya. Ito ay upang malaman kung karapat-dapat ba silang pagbigyan sa kanilang kahilingan.

Ayon kay Magsino, napakahalaga aniya na malaman nilang mga kongresista kung ano na ba ang mga naging progreso, development at improvement ng isang partikular na ahensiya matapos nilang matanggap ang kanilang national budget noong nakalipas taon o bago pumasok ang 2023.

Binigyang diin ng OFW Party List Lady solon na napaka-importante na mabusisi at suriin nilang mabuti kung karapat-dapat ba ang isang ahensiya na pagbigyan sa hinihingi nilang budget. Kung saan, ang una nilang tinitignan at sinusuri ay kung saan napunta ang budget na hiningi o nilatag nila noong nakaraang taon.

Sinabi ni Magsino na dinaluhan niya ang budget hearing ng Civil Service Commission (CSC) para itanong sa mga opisyales ng ahensiya ang tungkol sa kanilang patakaran at proseso kaugnay naman sa pagsasampa ng kasong administratibo laban sa mga pasaway na kawani ng pamahalaan.

Pagkatapos ng CSC, ang sumunod na sumalang naman ayon pa sa kongresista ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang pag-usapan naman ang mga programa para sa mga tinatawag na “distressed” Overseas Filipino Workers (OFWs) kabilang na dito ang alokasyon para sa mga Senior Citizens.