Magsino

Magsino kinalampag BI sa offloading ng OFWs

Mar Rodriguez Sep 23, 2023
202 Views

KINAKALAMPAG ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang Bureau of Immigration (BI) para makuha nito ang attention ng ahensiya patungkol sa hindi makatarungang “offloading” o pagpapababa sa eroplano ng mga Filipino travelers partikular na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa budget deliberation sa Kongreso para sa 2024 proposed budget national budget ng Department of Justice (DOJ), inilahad ni Magsino na noong 2022. 32,404 Pilipinong pasahero ang napa-ulat na pinababa ng eroplano (offloaded) para isagawa ang pagsisiyasat kaugnay sa kaso ng human trafficking.

Binigyang diin ni Magsino na matapos ang isinagawang inspeksiyon sa mga pasahero lumalabas aniya na 472 lamang ang napatunayan o kompirmadong biktima ng human trafficking o illegal recruitment. Subalit nakakadimaya aniya na naperwisyo na ang biyahe o flight ng iba pang mga pasahero.

Sinabi ni Magsino na kinukuwestiyon tuloy ng ilang sektor partikular na ang general public ang effectiveness at kakayahan ng Bureau of Immigration (BI) at Office of Transport Security (OTS) kaugnay sa “departure screening guideline” na ipinatutupad sa mga paliparan.

Idinagdag ng OFW Party List solon na ipinapanukala ng mga naperwisyong pasahero na bayaran ng BI ang kanilang travel expenses kabilang na ang damages na naranasan nila bunsod ng nangyaring “off-loading” sa pamamagitan ng reimbursement.

“Notably, there is proposal to have these expenses and damages charged to the immigration fees being collected by the Bureau under the Special Provision in the General Appropriations Act as per Memorandum Order No. 024, Section 1.8 intended for salary augmentation of the Bureau personnel,” sabi ni Magsino.

Ipinaliwanag pa ni Magsino na ang rason sa likod ng nasabing panukala ay upang ipaalala sa mga immigration officers (BI) na kailangan nilang isa-alang alang ang kapakanan ng mga Pilipinong pasahero. Kasunod ng kaniyang hamon para sa BI na magkaroon ng commitment na magiging maingat sila sa pagpapatupad ng kanilang tungkilin para hindi na maulit ang nasabing pangyayari.