Rep. Magsino

Magsino kumpiyansa na makukuha ikalawang termino batay sa resulta ng Pulse Asia survey.

Mar Rodriguez May 9, 2025
60 Views

IPINAHAYAG ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang kaniyang malaking kumpiyansa at tiwala na makukuha nito ang ikalawang termino bilang Kinatawan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kamara de Representantes.

Sabi ni Magsino na ito ay batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong nakalipas na Abril 20 hanggang Abril 24, 2025 kung saan makikita dito ang malaking tiyansa na makukuha nito ang kaniyang ikalawang termino sa Kongreso.

Ayon kay Magsino, nakuha ng OFW Party List ang 0.87% ng mga boto mula sa mga responsents na mayroong Party-List preference kung saan nakuha din ng OFW PL ang isang upuan (one seat) para sa mga papasok na Party List batay sa alokasyon ng Commission on Elections (COMELEC).

Bukod sa Pulse Asia survey, positibo din ang resulta ng WR Numero Research na isinagawa noong Abril 23 hanggang Abril 30, 2025 kung saan ipinapakita rin dito na makakakuha ang OFW Party List ng isang upuan o Congressional seat para kumatawan sa mga OFWs.

“Nagpapasalamat po tayo sa tiwala ng ating mga kababayan sa OFW Pary List. Ipinapakita lamang nito na nakikita ng mga kababayan natin ang magagandang ginawa natin sa Kongreso,” wika ni Magsino.

To God be the Glory