Magsino1

Magsino nababahala sa lumalaking kaso ng mental health sa hanay ng mga OFWs

Mar Rodriguez Jun 27, 2024
122 Views

๐—ก๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—” ๐˜€๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ด “๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต” ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐—ข๐—™๐—ช๐˜€) ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ.

Ayon kay Magsino, batay sa pagtatala ng World Health Organization (WHO) noong 2019, umabot sa 970 million tao mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nakakaranas ng mental disorder bunsod ng labis na pagkabalisa at depression.

Sabi ni Magsino, kakaunti naman ang naiuulat o naitatalang “psycho-social distress” sa hanay ng mga Filipino migrant workers o OFWs batay sa pag-aaral na ginawa ni Dr. Veronica Ramirez na sinuportahan ng University of Asia and the Pacific kabilang na ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Council for Health Research and Development.

Binigyang diin ni Magsino na ang ibang mga OFWs na kasalukuyang nakararanas ng mental health problem ay nangangambang matanggal sa kanilang trabaho kapag nalaman ng kanilang amo na mayroon silang mental disorder dulot ng sobrang stress, pagkabalisa at ang pangungulila sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Ito rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga OFWs ang natatakot magpatingin sa isang espesyalista sapagkat nangangamba silang mawalan sila ng trabaho kapag nalaman ng kanilang amo ang kanilang kalagayan.

“Ang iba sa ating mga OFWs ay may takot din na sila ay tanggalin sa kanilang trabaho ng kanilang mga amo. Dahil dito sila ay umiiwas na magpatingin sa kanilang karamdaman. Kung mayroon man silang mapupuntahan pagamutan at may kakayahan silang magpatingin,” paliwanag ni Magsino.

Ipinahayag pa ni Magsino na sinisikap nilang paigtingin ang pagsusulong ng inter-agency system para sa “repatriation” ng mga OFWs na kasalukuyang nakakaranas o sumasailalim sa “mental health problem” o ang tinatawag na “psychologically distressed”.