Magsino

Magsino nagbalik tanaw sa kaniyang termino sa 19th Congress

Mar Rodriguez Jun 16, 2025
25 Views

Magsino1Magsino2SA pagtatapos ng session ng 19th Congress, nagbalik tanaw si OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino sa kaniyang unang termino sa loob ng tatlong taon sa pamamagitan ng pagsusulong nito sa kapakanan at interes ng mga Overseas Filipino Wokers (OFWs).

Sa kaniyang mensahe sa Plenaryo ng Kamara, pinasalamatan ni Magsino ang mga kapwa nito kongresista na sumuporta sa kaniya sa loob ng tatlong taon partikular na ang suportang ibinigay ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“Maraming salamat sa tiwala ng bawat OFW at seafarers na nagsilbing inspirasyon sa bawat adbokasiya, programa at panukala na ating isinulong dito sa Kongreso. Ang ating unang termino ay naging hitik sa serbisyo dahil sa inyong suporta,” wika ni Magsino.

Inilahad ni Magsino ang ilan sa mga naging achievements ng OFW Party List group sa Mababang Kapulungan kabilang dito ang isinulong nitong 66 na panukalang batas kung saan kasama dito ang Republic Act No. 10178 o ang Internet Voting Bill.

Ibinida din ng kongresista ang personal na pakikipag-diyalogo nito sa mga OFWs mula sa labing-isang host countries upang tiyakin na sila ay nasa maayos na kalagayan sa pamamagitan ng makataong pagtrato sa kanila ng kanilang mga employer.

Magugunitang nagbigay ng sponsorship speech si Magsino sa Plenaryo sa huling araw ng session ng Kamara de Representantes para sa Committee Report No. 1505 tungkol sa mga katiwaliang naganap sa pagpapadala ng mga OFWs ng kanilang balikbayan boxes.

Kasabay nito, pinangunahan ni Magsino ang pagsasagawa ng orientation para sa 697 na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage – Displaced Workers (TUPAD) program na ginanap sa Parañaque City sa pakikipagtulungan nito sa Department of Labor and Employment Agency (DOLE).

“Ito ay patunay ng pangako ng OFW Party List na ipagpapatuloy ang serbisyo para sa mga OFWs at kanilang pamlya saan man panig ng mundo. Magtutuloy-tuloy ang ating paglilingkod,” sabi pa ni Magsino.