Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino

Magsino nananawagan ng agarang repatriation ng mga Pinoy sa Israel

Mar Rodriguez Oct 10, 2023
235 Views

NANANAWAGAN si OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa Philippine Embassy at Migrant Workers Office (MWO) sa Israel upang para maglatag sila ng kaukulan at nararapat na mekanismo para sa agarang “repatriation” ng mga Pilipino na naninirahan sa nasabing bansa.

Hinihiling din ni Magsino sa mga Pilipino ang pag-aalay ng panalangin para sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Isarel sa gitna ng napaka-kritikal na sitwasyon sa nasabing bansa. Matapos ang ginawang pag-atake ng Hamas fighters sa mga komunidad sa Israel.

Binigyang diin ni Magsino na masyado aniyang nakakabahala ang paglabas ng “State of War Alert” ng Home Front Command ng Israel. Kung kya’t pinatitiyak ng kongresista sa Philippine Government ang agarang pag-asikaso sa mga apektadong Pilipino partikular na ang mga OFWs sa Israel.

“We pray for the safety and well-being of Filipinos. Especially of OFWs in Israel during this critical time. The breach of Gaza Strip blockade and subsequent attacks as well as Israel’s issuance of a “State of War Alert” by Home Front Command are deeply troubling,” pahayag ni Magsino.

Hinihimok din ni Magsino ang mga Filipino community sa Israel na panatilihin nila ang komunikasyon sa Philippine Embassy at MWO sa nasabing bansa. Kasunod ng kaniyang mungkahi na kailangang magkaroon ng tinatawag na “precautionary measures” at sumunod sa utos ng Isaeli Home Front Command (IHFC).

Nananawagan din si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., sa international Community sa suportahan ang hakbang ng Pilipinas upang masiguro na mapapangalagaan ang karapatan, kapakanan at kagalingan o welfare ng mga OFWs sa Israel sa gitna ng nangyayaring kaguluhan.