Magsino1

Magsino personal na inaalam ang kalagayan ng mga OFWs

Mar Rodriguez Jun 24, 2024
125 Views

Magsino2Magsino3Magsino4Magsino5๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ผ ๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ณ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐—ข๐—™๐—ช๐˜€), k๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

Nabatid ng People’s Taliba kay Magsino na personal niyang nakasama kasunod ng isinagawang talakayan para alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng OFW Groups at Filipino Communities sa bansang Singapore.

Ayon kay Magsino, ang mismong Philippine Embassy sa Singapore at ang Migrant Workers Office (WMO) ang nag-organisa ng “town-hall meeting” upang magkaroon ng open forum patungkol sa kalagayan at sitwasyon ng mga OFWs sa nasabing bansa.

Paliwanag ni Magsino, napakahalagang magkaroon ng dialogo para malaman ang mga problemang kinakaharap ng mga OFWs sa bansang pinagta-trabahuhan nila at para maagapan narin ito sa tulong ng Philippine government sa pamamagitan ng OFW Party List Group sa KongresoKongreso.

Sinabi ng kongresista na ang pinag-usapan sa ginanap na dialogo ay ang mga oportunidad na kasalukuyang natatamasa ng mga OFWs sa Singapore. Kabilang din aniya sa mga napag-usapan sa meeting ay ang pangunahing problema na kinakaharap nila tulad ng pagiging biktima ng scams, mga Pilipinong nababaon sa utang sa mga loan sharks, kakulangan ng financial literacy at mga OFWs na nakakaranas ng mental health problems at iba pa.

“Malaki ang nagagawa ng pakikipag-dialogo sa ating mga kababayang OFWs sapagkat sa pamamagitan nito dito natin nalalaman ang mga problemang kinakaharap ng ating mga kababayan at dito rin natin mapagpa-planuhan ang mga solusyon kung papaano natin sila matutulungan,” wika ni Magsino.

Idinagdag pa ni Magsino na sa pamamagitan din ng dialogo, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga OFWs na malaman ang mga programang isinusulong ng OFW Party List Group katuwang ang pamahalaan para matulungan ang mga OFWs. Kabilang dito ang pagkakaloob ng welfare, medical, educational, livelihood at repatriation assistance.

“Bilang nag-iisang kinatawan ng OFW Party List sa Kongreso. Pinagsisikapan natin na madalaw ang mga kababayan nating OFWs sa mga bansang pinagta-trabahuhan nila upang personal na makita at malaman ang kanilang kalagayan at makahanap ng solusyon sa kanilang problema,” sabi pa ni Magsino.