Magsino1

Magsino pinasalamatan si Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Apr 17, 2024
191 Views

MagsinoPINASALAMATAN ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino si Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez matapos nitong ipanawagan ang mapayapang resolusyon sa insidente ng pangha-hijack sa Portuguese-flagged container ship na MSC Aries na lulan ng apat na Pilipino seafarers.

Ayon kay Magsino, kahanga-hanga ang naging pagkilos ng House Speaker dahil ipinapakita nito ang kaniyang malasakit para sa apat na Pilipino seafarers na naipit sa gusot na kinasangkutan ng kanilang barko matapos itong ma-highjack o pang-aagaw ng mga Iranian authorities.

Sinabi ni Magsino na tulad ni Speaker Romualdez, hangad din niya bilang kinatawan ng mga Overseas Filipino Workers sa Kamara de Representantes na matiyak ang kaligtasan ng apat na Pilipinong seafarers na sakay ng MSC Aries at makabalik ng Pilipinas ng ligtas para makapiling ng kanilang pamilya.

Nauna rito, kinondina ni Magsino ang pangha-hijack sa container ship na MSC Aries na kinalulunadan ng apat na Pilipinong Marino na naganap sa Straight of Hormuz sa pagitan ng Iran at Oman.

Sabi ni Magsino, sa geopolitical tensions na bumabalot sa mga daluyan ng shipping vessels. Lagi umanong nalalagay sa peligro ang mga Pilipinong Marino, habang ang iba naman ay nagiging “collateral damage” sa mga kaguluhang sumisiklab sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na mayroong conflict o giyera.

Iginigiit naman ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na matiyak ang kaligtasan ng apat na Pilipino seafarers na sakay ng nasabing barko. Matapos itong ma-highjack ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran.

“In times of crisis, our foremost concern is the safety and security of our Filipino seafarers. We call for a peaceful resolution to swiftly resolve this distressing situation and ensure their prompt return home,” sabi ni Speaker Romualdez.