Rep. Magsino Rep. Magsino

Magsino sa oposisyon; WSag gamitin sa pangangampanya ang mga OFWs

Mar Rodriguez Mar 27, 2025
27 Views

OFW Party-ListNANANAWAGAN si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa oposisyon na huwag nilang kasangkapanin at gamitin sa kanilang “political propaganda” ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) para lamang itulak ang kanilang pansariling interes.

Bilang Kinatawan ng mga OFWs sa Kamara, binigyang diin ni Magsino na hindi dapat kinakasangkapan sa pamumulitika o pangangampanya ang malaking sakripisyo ng mga OFWs para mag-trabaho sa ibang bansa kasama na ang kanilang pamilya.

Ipinaliwanag ni Magsino na masakit para sa kaniya ang makita na ginagamit sa alitan sa politika ang mga Migrant wokers para lamang isulong kanilang ang political interest habang kinakasangkapan ng ilan ang mga OFWs para magpa-bida.

Dahil dito, muling iginiit ng kongresista na walang kulay politika ang hanay ng mga OFWs sapagkat ang layunin lamang nila sa pangingibang bansa ay ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng kanilang pagsusumikap.

Sabi din ni Magsino na malaki na ang nai-ambag ng mga OFWs sa ating bansa partikular na sa eknomiya kaya ang panawagan nito sa mga kapwa nito kandidato ay huwag na umanong idamay pa ang mga Migrant workers sa usapin ng alitan sa politika.

“Walang kulay ang kanilang pagsusumikap at iisang lahi lang ang kanilang tangan sa ibanfg bansa. Bilang mga Pilipino, malaki na ang ambag nila sa ating bansa at lipunan. Kaya ako ay nakiki-usap na huwan na natin silang idamay sa mga isyung pampulitika,” wika ni Magsino.

Sa halip na idamay sila sa mga usaping pampulitika, ipinahayag ni Magsino na mas makabubuting maglatag na lamang ang mga kapwa n ito kandidato ng mga programa para sa kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa abroad para mabigyan sila ng proteksiyon.

To God be the Glory