Calendar
Magsino tiniyak sa pamilya ni Mary Jane Veloso na itutuloy nito ang kaniyang adbokasiya para sa mga OFWs
TINIYAK ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa pamilya ni Mary Jane Veloso na ipagpapatuloy nito ang kaniyang adbokasiya para tulungan ang mga kapwa nito Overseas Filipino Worker (OFW) na nahaharap sa mabigat na suliranin sa ibang bansa.
Nagtungo sa tanggapan ni Magsino sa Kamara de Representantes ang magulang ni Veloso na sina Cecilia at Cesar. Kasunod ito ng pagpapatibay ng kaniyang commitment para sa mga OFWs na may kahalintulad na sitwasyong sinapit ni Mary Jane.
Ipinahayag din ni Magsino sa pamilya ni Mary Jane na inuumpisahan na nitong lakarin upang magawaran ng clemency o presidential pardon si kay Mary Jane na kasalukuyang nakapiit sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Dahil dito, muling tiniyak ng kongresista sa Veloso family ang kaniyang patuloy na suporta hindi lamang para kay Mary Jane bagkos para sa lahat ng mga OFW na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat subalit kasalukuyang nahaharap na mabigat na suluranin.
Binigyang diin ni Magsino na ipinapakita lamang ng sitwasyon ni Mary Jane ang malaking panganib na kinakaharap ng libo-libong OFWs sa ibang bansa kaya bilang Kinatawan ng mga Pilipinong Migrant workers. Patuloy nito aniyang pagsisilbihan ang kapakanan ng mga OFWs.
“Ipinapakita ng sitwasyon ni Mary Jane ang panganib na kinakaharap ng maraming OFWs. Pero nandito kami para sa ibang OFW at kay Mary Jane. We will continue to stand by her and provide the necessary support for her and her family,” sabi ni Magsino.