Calendar
Magsino tuloy-tuloy ang paglilingkod para sa pamilya ng mga OFWs
๐ฅ๐๐๐ก ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐๐๐ก๐, ๐๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ป ๐ผ ๐๐บ๐๐๐น๐ฎ๐ป, t๐๐น๐ผ๐-๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ป๐ถ ๐ข๐๐ช ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ “๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ” ๐ฃ. ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ผ ๐น๐ถ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ข๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐ (๐ข๐๐ช๐).
Ayon kay Magsino, namahagi ng tulong o Livelihood Assistance ang OFW Party List para sa mga tinatawag na “disadvantaged at displaced” workers sa ilalim ng TUPAD sa pamamagitan ng pakikipag-tulungan nito sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sabi ni Magsino, tinatayang nasa 177 benepisyaryo ang nakinabang sa ipinamahagi nilang livelihood assistance upang makatulong sa kanila kahit papaano upang maibsan ang nararanasan nilang kahiraparan.
Paliwanag pa ng kongresista, umuulan man o umaaraw, nagpapatuloy ang pamamahagi ng OFW Party List ng tulong hindi lamang para sa pamilya ng mga OFWs bagkos kabilang na rin dito ang mga Pilipinong dumaranas ng kahirapan.
Ipinahayag pa ni Magsino na hindi lamang sa mga OFWs nakatutok ang OFW Party List kundi sa lahat ng mga Pilipino na nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ng krisis.