Magsino

Magsino umapela kay PBBM dahil sa napipintong mass deportation ng 300,000 TNT sa US

Mar Rodriguez Nov 16, 2024
84 Views

UMAPELA si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang agarang matugunan at aksiyunan ng pamahalaan ang napipintong mass deportation ng tinatayang 300,000 undocumented Filipinos sa Estados Unidos (US).

Sabi ni Magsino na ang nakaambang mass deportation ng napakaraming Pilipino sa Amerika ay kasunod ng posibleng paghihigpit na gagawin ng papasok na administrasyon ni President-Elect Donald Trump na kilala sa pagpapatupad ng napaka-higpit na deportation policy laban sa mga undocumented na nasa US.

Ipinahayag ni Magsino ang kaniyang labis na pagkabahala dahil napakaraming Pilipino ang inaasahang tatamaan ng deportation policy na nakatakdang ipatupad ng Trump administration sa susunod na taon (2025) pagkaupong-pagkaupo nito bilang Pangulo ng Amerika.

Sinabi pa ng kongresista na bagama’t kinikilala at ginagalang nito ang polisiyang ipatutupad ng Trump administration patungkol sa usapin ng immigration policies, hindi aniya maikakaila na nakakapang-hinayang na masasayang lamang ang naging paghihirap ng maraming Pilipino sa US sapagkat nakapag-establisa na sila ng kanilang kabuhayan at trabaho sa Amerika sa loob ng mahabang panahon.

“The reported possibility of mass deportation of 300,000 undocumented Filipinos from the United States is a source of deep concern. While we acknowledge and respect the right of any sovereign nation to enforce its immigration policies, we cannot ignore the hardship that these deportations will bring to individuals and families who have been established their lives and livelihoods in the US,” wika ni Magsino.

Iminumungkahi din ni Magsino na marahil ay kailangang mapatupad ang pamamahalaan ng reintegration programs, mekanimismo para sa job retooling, re-skilling at employment facilitation para sa mga Pilipinong maaapektuhan ng mass deportation sa US.

Nanawagan din si Magsino sa Department of Foreign Affairs (DFA) para tulungan ang 300,000 undocumented Filipinos na mahaharap sa deportation upang matiyak na mabibigyan sila ng due process kabilang na dito ang pagkakaroon ng access sa mga hearings at karapatang umapela.

“We call on the DFA to take steps to ensure that due process is fully observed for Filipinos facing deportation. This includes access to hearings and the right to appeal, ensuring that their voices are heard and that they are given a fair opportunity to present their case,” sabi pa ni Magsino.